after not updating for so long..

Sorry lang, daming ginagawa eh. Ayan tuloy nakakatamad na magkwento. Brief overview na lang. At haha dahil bulok ang <battery ng> camera ko, wala akong bagong pics. Tingnan nyo na lang siguro sa site ni ate..:P


March 3-6 -- super hectic week kung kelan ginanap ang Filipino play namin at ang English     diorama. At math scrapbook. At health project. Kamon, kung kelan last week na saka ka talaga tatadtarin ng requirements. Pero nagawa naman namin lahat kaya yehey..:P Pero super sorry talaga kung minsan talagang tinatamad akong tumulong o kaya 'di naging responsible. Wah. Vacation mode na kasi utak ko. Sorry nah.. >.<

March 7-8 -- Behind the Scenes: a movie-park themed fair. Kung saan puro food stalls lang     naman ang nakita ko. At yung booth pala namin na Sumo, nabuhay (salamat sa Sampa!:P). Owel, bike lang talaga habol ko dun eh. At buti na lang isang araw ko lang napagdusahan ang ka-boringan ng fair dahil sa Intarmed interview ko nung 7. Sabi nila 10 days daw lalabas results nun ah. Meron na ba?
               At dapat mag-aaral si ate magbike nung fair eh. Kaso nung pumunta sya ayaw na     nya. Talo ka tulo ni Lea at ng marami pang natutong mag-bike nung mga araw na yun. Haha.

March 8-10 -- Kyut Kamp2 sa ASTB Hall. Super Fun! ahaha lalo na yun Egyptian thingy         sessions namin. Waha ang hirap lalo na kung mga kalaro mo ay palo nang palo kahit kamay mo na yung pinupukpok nila..:P Super daming food kaya busog to the max nanaman kaming SCA. At super fun ng games at talk. Ang dami kong natutunan grabe. Sana next year makasama pa ako ulet sa mga future camps ng SCA..<3

March 10-12 -- Intrams. At 'di pako umuuwi for 3 days. Wahaha. Buti na lang wala naman     akong sasalihang laro. Or so I thought. Grabe, dahil walang ibang mahanap na pwedeng isali, ako ang sinabak nila sa 200m dash sa Track n Field! Kamon, good luck naman kung manalo ako dibah. Pero!!! nag-2nd ako!!! to the last nga lang..>.< Hahaha. Well fun din naman. Go Yellow!!

March 13-14. -- Kahit banned na kami, kelangan pumasok para sa planning ng SCA Team     Building2! Haha kamusta naman ang bonding time namin nina Jay at Rap nung 1st day, at nina Iya, Lara, at Jay ule nung Friday! Yay at naaccomplish naman namin ang mga kelangan namin gawin. At syempre after that si Mam Capundag ay may pagkain naman para sa mga efforts namin sa pag-oorganize. Kaso...binigyan nya kami ng chicken nung Friday!!!!! Oh no, MEAT!! 'Di namin sure kung sinadya yun ni Mam, pero too late na nung narealize namin kung ano ang kinakain namin on a Friday. Kaya tinuloy na rin namin sa Mcdo at ni-resolve na iba na lang ang issacrifice for that day.

March 15 -- Wala. Rest Day. Pero sina ate ay pumunta sa Greenhills at bumili ng...dundundun...LAPTOP!! Hoho, sa wakas ay nakamit na ni ate ang pangarap nya. Hooray for having a laptop!:D

March 16 -- Team Building2 sa UP Sunken Garden! At kahit 4 lang ang pumunta na hindi Core Team, at least meron, at ang pinakaimportante ay nag-enjoy kami at natuto! Ginawaran pa ako ng Silent Waters Run Deep Award. Haha. The best way to end the schoolyear with SCA. Omg mamimiss ko talaga yung mga ganung times. Kaya kinommit kaming mga Core na next year ay bibisita pa rin kami at sisingit sa mga activities para tumulong at mag-take part kahit na alumni (omg) na kami nun.. Wah sana maging maayos ang SCA next year at marami ang maging active!!


    Ayan. So many happenings noh. Kaya buti naman at this week ay Holy Week. Time for rest and reflection. May ilang bagay akong sinacrifice para sa week na toh, for some things and wishes at as a sign of repentance na rin.
    Next week sigurado maraming mangyayari..clearance, gradprac and stuff. Gagraduate na talaga kami! OMG!!!
    At grabe!! Kaka-Y!m lang ni Jimpo sakin...at pumasa daw ako sa Intarmed interview! Waaaahhh indi ko pa rin alam kung ano pipiliin..Pero super...MBB talaga ang winning side as of the moment..>.<

Comments

  1. "Vrieg ocerciew" Krizelle, anong bagong language iyan?

    ReplyDelete
  2. JUSKO AYUSIN MO NGA PAGTTYPE MO! Kalahati ata hindi ko maintindihan eh! :))

    Marami pa kong comment.

    ~MATUTUTO RIN AKONG MAGBIKE! Balang araw! Pag nagkaroon ng YFC party sa Circle ulit! Haha.

    ~Two wrongs don't make a right. Two times eating a chicken don't abstinence make. Whut.

    ~Pangarap ko talaga tong laptop na ginagamit ko sa pagttype nito AS IN. As in halos lahat ng stipends ko for the second sem dito na napunta, pumayag lang si mama na bumili noh!

    ~Anong 4 lang yung hindi core team?? Ano kami ni Imang??? :P At hindi kayo nagcommit noh, cinommit ko kayo! :P :))

    ~Ayun lang. AT AYUSIN MO TALAGA SPELLING MO PLEASE. :P

    ReplyDelete
  3. OO nga... Congrats... Dr. Alcantara... Hahaha *nga pala* Marunong na ako magbike! Wala lang... Inagawan ko lang si Jepoy ng bike noong last day ng Fair... Tas ayun... Out of nowhere... Nacontroll ko siya... Hahaha

    ReplyDelete
  4. haha sorry na sa mga typo..>.< aayusin na po..

    ReplyDelete
  5. hahaha congrats naman sayo! ayan ate, isa pa sa mga natuto nung fair 'di tulad mo! yak sama..haha..:P

    at salamat din sa pagcongrats mo..Ü

    ReplyDelete
  6. Ayan inayos na. Sorry naman, bano lang mag-type..:P

    Anyway, sana nga magkaroon ule ng party sa Circle o kahit saan pang may bike para matuto ka na! Haha, sama mo si Ate Imang para masaya..Ü

    At onga. Kaso ano magagawa namin kung nakakain na kami? kaya nga iba na lang ang inabstain namin nun eh. Btw spaghetti inorder ko nun..kaso may meat din pala yun dibah?:P

    At kaya 4 lang yung sinabi ko kasi feel ko part pa rin kayo ng Core Team..haha..kaso onga pala, hindi nah kayo considered dun..:P Owel..

    At opo aayusin na po ang pagttype starting now..:P

    ReplyDelete
  7. Noong fair last year ka ba natuto? =P

    ReplyDelete
  8. oo!!! haha at napakacontroversial nun dahil sa taong nagturo sakin mag-bike..:P hahaha well at least natuto ako dibah..

    ReplyDelete
  9. Nako...Siya nga... Si ano... Arghh... He ruined my past 2 weeks... Hmpphh >____

    ReplyDelete
  10. Hahaha.... YM nalang... para wala nang isyu... XD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts