ang munting ilaw..

Kagabi..'di ako makatulog.. Tapos na ang tugtugan at kasiyahan para sa fiesta dito, pero lampas hatinggabi na gising pa rin ako.

Nakatitig sa kisame, hinihintay na dalawin ng antok..Kinukumutan ng dilim..

Nang biglang isang munting ilaw ang bumasag sa bumabalot na kadiliman..isang alitaptap ang nakulong sa aming kwarto.

Naghahanap ng daan para makawala sa kulungan..paikot-ikot, 'di alam ang patutunguhan..ang munting ilaw ay aking sinundan..paikot ikot ikot ikot.......

BZZZZZTT..

Ang kawawang alitaptap, imbis na makahanap ng paraan upang makawala, isang malagim na katapusan ang napala..sa elisi ng aming bentilador..

Pinagmasdan ko habang unti-unting napapawi ang munting ilaw..at kasabay ng tuluyan kong paghimbing, ang munting ilaw na iyon ay nagpaalam na rin....

Comments

Post a Comment

Popular Posts