back to (our old) school

    Old school! omg, old school na nga ang Pisay para sa 08. Kahapon lumabas kami nina Anna Lynn, Trisha, Claridge, at Mariel. Balak talaga manood lang ng sine, pero natripan namin na magtake-out ng lunch sa KFC at saka pumunta sa Pisay para doon maglunch.

    Syempre may pasok na sa Pisay diba. Grabe, ang weird lang ng feeling na binibigyan na kami ngayon ng visitor's pass kasi alumni na kami. OMG. Hahaha, nakakapanibago sobra. Wala na nga kami sa Pisay. Halos wala na nga akong makilala sa mga lower batches dun eh (well 'di naman ako ganun kaclose talaga sa kanila, but still), pero at least andun pa yung ibang teachers na kilala pa namin (pero ang dami na rin na umalis this year..).

    Ayun naglibot lang kami at nanggulo sa PEM Unit kung san kami kumain habang pinagttripan ni Sir Duli. Parang pareho pa rin naman ang Pisay, pero sobrang iba na rin kasi iba na yung mga tao, at syempre wala na kaming 08 dun. Parang iba na yung environment kesa nung andun kami, kasi syempre iba naman talaga kapag andun ka pa nag-aaral kesa sa kapag gumraduate ka na. We still somehow belong, pero medyo feeling alien na rin sa kanila. Nakakamiss balikan lahat yun, tas parang gusto ko pa rin pumasok sa Pisay. Grabe.

    Oh well, masaya pa rin naman yung maexperience uli ang Pisay..in another point of view. Sabi samin bumisita daw kami madalas..masaya nga siguro gawin yun. Kasi di mo naman bastabasta makakalimutan kung ano mga pinagdaanan mo sa Pisay. Hehe.

    Next week back to school na talaga. Hello UP! Sana maging memorable din tulad ng buhay Pisay ang magiging experiences namn sa UP.XP

Comments

  1. wahaha as expected... =))
    miss ko na rin yung bading na yun... at nasa kaniya pa Bob Ong books ko... hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts