merry christmas, batang snatcher
Kagabi. Masaya na sana ang Lantern Parade sa UP kahit na sa wide screen lang ako nakapanood, andami kasing tao. Kahit na ang hirap hanapin ang mga tao kasi may problema ang Globe kagabi. Masaya kasi nagkitakita na ulit kami ng mga friends lalo na yung mga na sa ibang schools/campuses. Masaya kasi ang ganda nung fireworls. As in...
So masaya na sana akong uuwi , kahit pagod sa kakalakad at kakahanap kay Ate at kakanood. Maraming maraming tao, kaya talagang mahirap pumara ng taxi sa UP. Wala na rin kasing jeep na masasakyan deretso samin. Kaya naglakad na lang kami papuntang Philcoa. Kasama ko si Ate at si Gail.
Mahabang paglalakad din yun ha, at maginaw, at higit sa lahat, madilim. Nung patawid kami sa kabilang side ng kalsada para dun mag-abang, may nakita akong taong nakatalungko sa isang tabi, na hindi ko naman na masyadong pinansin. Dapat pala pinansin ko, kasi warning na pala yun sa mangyayari. Naglakad pa kami, tapos nahuhuli ako sa kanila ng isang step kasi ganun naman talaga ako usually maglakad..
Maginaw talaga. Nakajacket ako, na may "secret" pocket pa sa loob. Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsang yun. Tiningnan ko naman, yung nagtext nagtatanong kung nanood daw ba ako ng fireworks. Iniisip ko pa kung magrereply ba ako nang bigla na lang nawala yung phone sa kamay ko. Lumingon ako. Sumigaw nang malakas. Tiningnan ako ni Ate, bakit daw, tapos sumigaw din sya nang malakas nung nakita nya yung batang tumatakbo papalayo sa amin na tangay na ang cellphone ko.
Hindi na rin namin siya nahabol. Wala rin makakapigil sa kanya kasi walang ibang tao doon sa part na yun, kahit medyo malapit na sa mataong Jollibee. Wala. Umuwi na lang kami, tas sa buong biyahe pauwi iniisip namin kung ano dapat ang ginawa at gagawin namin.
Sa bahay, sinabi ko na ang nangyari. Buti na lang hindi ako pinagsermunan tulad ng inaakala namin. Buti na lang daw hindi hold-up yun, kasi baka mas masama pa ang nangyari samin. Learn from the experience na lang daw. Isipin ko na lang na pamasko ko na rin yun sa batang snatcher. Saka mag-iingat pa lalo sa susunod.
Kagabi, manhid pa ako pagkatapos nung pangyayari. Ngayon, paulit-ulit kong naririnig yung sarili kong sigaw at nakikita yung madilim na silhouette nung batang tumatakbo papalayo. Nakakatrauma. Ayoko nang magpagabi ulit kahit saan..
Oh well. Merry Christmas na lang, batang snatcher..
waaah. uhm siguro ok na yun kesa tutukan ka pa niya Ö
ReplyDeleteyou did the right thing.! who knows, baka may kasama pa yung kid, and baka mapahamak kayo if you try chasing after him pa. >_<
ReplyDeleteoki lang yan... next time dala ka na ng resbak mo >:)
ReplyDeletehaay.bad bad bata.sad naman.pro yaan m n un.
ReplyDeleteonga. merry christmas nalang kay batang snatcher.
ReplyDeletethere, there... kung anung kinuha niya, sigurdo namang ibabalik ni Lord un. Baka more pa nga ibigay sa yo...
ReplyDeletehala! :( well madami ring mas malalang situation...buti okay lang kayo =)
ReplyDelete):
ReplyDelete:( sad pero at least hindi bagay na mas mahalaga o mas mahal o mas malapit sa iyo ang nawala :)
ReplyDeletebuti di kayo terorista, dahil maling pindot ng bata...BOOM! GWaHAHAhaha*hika*HA! lungkot naman.
ReplyDeletelate reply..haha
ReplyDeletesalamat sa mga comment.:P
ang sad nga..grad gift pa naman sakin ng parents ko yung phone na yun.pero oh well at least nga yun lang yung nangyari..
tapos 2 days after nitong incident binili na agad ako ng bagong phone na *hopefully* mas maiingatan ko na..haha..
kung kelangan nyo ng bagong number ko pakisabi na lang..Ü