the david experience..Ü

Yung kwento ng buong misadventures namin ay pagkatapos na lang ng math54 finals ko..(sa thursday pa yun).XD

Masaya yung concert..kahit kasing liit lang ng langgam sina David mula sa bronze hahaha..XD Nag-enjoy pa rin kami..Ü Pero ang pinakaunforgettable experience EVER talaga ay naganap after pa nung mismong concert..Sa EDSA Shangrila kasi kami nag-stay..'wag niyo na tanungin kung bakit, basta si Ate ko kasi ay maraming koneksyon hahaha.XD At kung hindi niyo alam, doon kasi ang official residence ng team David sa stay nila dito sa Philippines.hahaha..

Kami ni Gail, naglilibot lang sa hotel dahil wala kaming magawa..after 2 hours bumalik kami sa room namin sa 8th floor. Kaso wala rin kaming magawa at wala ring tao dun, so nagdecide kaming bumaba na lang ulet..

Sumakay kami sa elevator..umandar na..at nag-stop sa 7th floor..pagbukas, may malaking mamang bouncer sa labas, na hindi naman unusual kasi maraming ganun sa hotel nung time na yun...kasoooo..out of nowhere biglang pumasok si David Archuleta!!!!!!!!!! XO Grabe, na-feel ko talagang naubos yung dugo sa mukha ko at nanlaki talaga yung mga mata ko hahaha..super na-freeze kami ni Gail on the spot..

Pumasok na rin yung mga kasama niyang bouncers tas umandar na yung elevator.Wala kaming nagawa kundi tumitig lang hahaha..Yung katabi komg babae mas malakas ang loob at binati si David at nakipag-kamay pa OMG. Tapos bigla siyang tumingin sa direction namin at nakangiti..wah grabe wala, nagsmile lang din kami hahaha. Grabe amputi niya at super kinis ng balat!XD Tapos ang weird kasi kahit super familiar ng mukha saka ng boses niya, iba pa rin yung makikita at maririnig mo siya peronally.haha OMG lang talaga.Ü

Nakarating din kami sa lobby at bumaba na ng elevator..sinundan pa namin ng konti tas umalis na rin sila. Kakain pala si David dun sa restaurant sa lobby. Nakatitig pa rin kami hanggang mawala na siya sa view namin. Tapos super nanginginig ako hahaha.XD

Ang fail daw namin kasi 'di man lang kami nag-hi o whatever. Sayang naman nga talaga. Nastarstruck kami masyado hahaha. But still, grabe lang. Once in a lifetime experience pa rin yung makasabay si David Archuleta sa elevator at matingnan at mangitian niya noh OMG!!!XD XD XD

Comments

  1. hindi ka ba nasapak ni rayray dahil homaygaleh NAKASAKAY MO SA ELEVATOR si david a!! wooooooah you're so swerteeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

    ReplyDelete
  2. hahaha hindi eh.mas maraming beses naman kasi niyang nakita yung dalawang david.XD pero hindi nakasakay sa elevator for one minute hwahaha..

    ReplyDelete
  3. WHATEVER MAY AUTOGRAPH NAMAN AKO.
    -ray2

    ReplyDelete
  4. nagpakuha kaya ako sayo..huhuhu bat wala..XD

    ReplyDelete
  5. TWO SECONDS NGA LANG AKO SA KANYA DIBA.

    ReplyDelete
  6. IPROMOTE MO NGA SINABI YOUTUBE AT TWITTER KO DITO EH. XDDD

    ReplyDelete
  7. Sayang naman! Sana nilakasan mo na loob mo tapos nagask ng hug! :P
    Pero nice experience nun a.. kung acoh un tapos si Cook andun.. baka wala rin acoh magawa XD

    At uu xacks! Ang ashteeg nung concert noh?!

    ReplyDelete
  8. dapat niyakap moooo! hahaha. swerteee!!! :P siksikan ba sa elevator? waaah!

    ReplyDelete
  9. *gulong* *gulong*

    wahaha, naalala ko tuloy. nanigas talaga tayo dun eh. starstrucked talaga.
    aabangan ko ang pag-blog mo ng ating misadventure. grabe, sobrang tuwang tuwa ka at ni-blog mo na agad. sa weekend ko pa gagawin ung akin eh. XD

    ReplyDelete
  10. oo nga eh haha sorry naman..pramis nakakafreeze ng utak yung experience XD

    at yeah asteeegggg superrrr uing concert.hahaha kahit parang dun sa bronze ako lang may alam sa mga kanta lol..XD

    ReplyDelete
  11. di kaya eh..haha may dalawang bouncer saka isa pang babae siyang kasama..+dalawa pang kasakay namin..tas yung babae in between ko at ni archie..kaya haha tumitingkyad pa ako para makita sya XD

    ReplyDelete
  12. LOL. Nastarstruck din ako sa kwento mo! :)) Teka, anong oras na nangyari toh?

    ReplyDelete
  13. lehehehehe. malapit man, malayo din.

    ReplyDelete
  14. ahaha ayan friends, finally masasabi ko na rin na naaccomplish ko na ang di ko nagawa noong time ng post na toh. :)) nakausap ko na siya at nakamayan at autograph din yay! Ü

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts