On Making Time
Time is a gift.
Kahapon sa pag-kukwentuhan namin ng isa kong kaibigan, na-realize ko na choice mo naman nga talaga kung paano mo gagamitin ang oras mo. Kahit sabihin mong busy ka sa mga bagay, pag importante sa iyo, gagawa ka ng paraan to make time for it. Maging tao man yun, bagay, hilig, o kahit ano. Choice mo yun kung paggugugulan mo ng oras at panahon.
At kung ikaw yung binibigyan ng oras at panahon, nakakataba naman ng puso, kasi nararamdaman mong may halaga ka sa taong yun. Kaya importante rin na hindi mo i-underestimte ang value ng time, kasi para sa ibang tao, malaking bagay talaga yun.
Kung sa hilig naman, halimbawa ako, estudyante. Dapat nag-aaral, gumagawa ng thesis manuscript, naghahanda nang pumasok. Pero bakit pinaggugugulan ko ng oras ang pagkanta, pagpunta sa mall shows ni David Archuleta, pagsulat ng blog na ito? Well choice ko yun. Iniisip ko lang kung sa tamang mga bagay ko ba ginagamit ang oras ko. Hindi ito emo post, napag-isip lang talaga ako, haha.
Male-late na ako. I shall make time for school now.

Comments
Post a Comment