When you expect the worst...

...and life gives you the exact opposite. :)

Still carrying over today the good vibes from yesterday! Ang saya saya ko lang talaga haha.

Thesis defense kasi namin kahapon, and to be honest, I've been dreading that moment since...ever. :P Eh kasi alam ko namang hindi ako magaling magsalita, tapos pagsasalitain mo ako sa harap ng buong faculty ng NIMBB, at sa mga blockmates at lower year MBB students. May nagsabi sakin, "Eh kumakanta ka nga diba, parang ganun lang din yun." Mano pa ngang kumanta na lang ako sa harap nilang lahat kesa i-explain ang project na isang taon ko nang ginagawa. :P

Pero sobrang thankful ko lang talaga sa aking labmates, RA, at thesis adviser, dahil kung wala sila eh malamang nagkalat lang ako sa harap ng lahat with my non-existent public speaking skillz. :)) A few days before the defense literal na nanginginig talaga ako sa kaba at puyat, at sa pag-iisip na hala, sobrang lapit na ng defense! Yun yung araw na akala namin ipapakita lang namin kung ano nang nagawa namin so far para sa thesis presentation, nang biglang surprise mock defense na pala yun! :))

At yun ang first of a series of five mock defense rounds, na naging sobrang helpful naman sa aming apat na DMBEL students kasi pagdating kahapon, kering keri na. Haha. Makalimang ulit ba namang i-revise at i-practice ng sasabihin!

Pero natatakot pa rin talaga ako sa Q&A portion. Lalo na sa isang particular professor dun na hindi ko na lang babanggitin ang pangalan. :P Surprisingly, though, habang nagppresent ako ay tumatango-tango pa siya na parang nagegets talaga ang sinasabi ko, at mas nakakagulat pa, nung natapos ako parang nakatulala lang lahat ng professors sa panel! :)) Parang wala pa silang maisip na maitanong sakin hahaha OMG. Sa huli may mga nagtanong rin naman pero hindi mga mapang-gisang tanong at puro yes/no lang halos ang sagot ko. Homeyzing. At nakuha pang mag-biro nitong prof na kinatatakutan ko, at tumawa ang lahat, LOL. Nakakagulat, sobra. :P

Ang galing din ng tatlo ko pang labmates, so proud of them! <3 At kami na ang very supportive at bonded lab na after ng defense ng bawat isa ay lumalabas upang i-hug ang nakapag-defend.


Favorite moments ko from yesterday:
  • Nag-group hug kami sa labas ng defense room after matapos naming apat sa pag-defend! :D
  • Sikat ang aming RA sa mga presentation namin dahil sa aming pag-acknowledge sa kanya sa pag-prepare ng aming cells for the experiments. Benta, sobra! :))
  • Surprise. Haha!
  • Unexpected hugs at compliments from people. :)
  • Celebratory dinner with DMBEL sa Yakimix hooray! :D
  • Ni-surprise ako ng kapatid ko pagkauwi ko, may tickets na raw kami sa isang concert na matagal na naming pinag-usapang panonoorin namin bilang grad concert ko. Pero ang surprise ay OMG grad gift na raw niya sakin yun weeee! <3

Sabi ko hindi ako magaling magsalita, pero ang dami kong nasabi dito. :)) Masaya lang ako! May inspiration nang magsulat ng manuscript today, haha. :D

Comments

  1. Aww, Zelle. >:D< "You're totally transformed!" -in a positive way. Hehe. Mamimiss ko ang DMBEL moments natin. :'(
    P.S. Una kong basa dun sa celebratory dinner ay celebrity dinner. LOL. :))

    ReplyDelete
  2. OMG may multiply ka pala teh! :)) Hindi kita contact! :P
    LOL hahaha dumaldal ako sa lab. Kayo ang nag-impluwensiya sa akin. :P At oo, sobrang mamimiss ko rin ang ating bonding moments sa DMBEL. :(

    Bukas pa ang Celebrity dinner! :))

    ReplyDelete
  3. wahaha ang late ko bumalik sa multiply...waha go DMBEL!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts